Sunday, March 6, 2011

TONY HEX ZUNIGA


Namangka, sumakay ng kabayo namasahe sa bus...ito ayon sa aking mapaehimenasyong utak habang papunta sa bahay ni TONY "JONAH HEX" ZUNIGA, ang layu...mula bulacan hanggang alabang, parang tinawid ko ang magkabilang dulo...anyway...
PAgdating ko duon , minag-net kaagad ako dun sa garahean nila kung saan nanduon ang mga original artworks, lithos and komiks for sale na gawa mismo ni master.Parang bata na napunta sa toy kingdom ay ginalugad ko agad ang mga puwedeng bilhin na naayon sa aking "baon".
Nakadale ako ng LONEWOLF and CUB pero hindi ito gaya ng makapal na version parang newsprint lang pero may cover ni zienkewics (tama ba?) anyway kasama yung iba pa, ay nakabili din ako na may ngiti sa aking mga labi.
Finally met the master, halos hindi ako makapanilwala na amidst my tight deadline, ay nagkaroon ako ng oras para makaharap siya, this is it, this is HIM, though frail looking he is mightily sharp witted, boy, will i ever reach his pinnacle?siguro hinde...
Nakipagkamay ako sa aknya at sinabi ko lang na isa akong tagahanga, not telling him na i'm one of the meandering illustrators who work at marvel...any who...
We watched the jonah hex holywood movie plus a brief docu on Tony's life, galing...so much inspiration talaga.
When its time to get his autograph, nakipila ako and someone spotted me, its Harvey! one of the most gifted artist in the biz, hardworking at ang galing nitong batang ito. Likewise met Allanguilan and other officionados ...
When its my turn, Tony was laughing about me riding a banca, horse and bus just to get here, he enjoyed our brief chat and gave me some inspiring words and those sought after autograph, realizing that i'm working at marvel and handling a hot character like deadpool , he blurted out that standard komiks illustrator that i missed for a while...ha? nasa marvel ka at hawak mo deadpool? anak ng $#%@% matindi ka pala...
Hindi naman sir TOny..marami pang mas magagaling at bata pa, ako, matanda na at sinuwerte pang makapasok sa inaasam asam kong propesyon...
Hindi na ako nagpaalam sa kanya kasi maraming tao at baka mahuli pa ako sa last call ng banca and anyway, i don't want to say goodbye, i always want to say hello.....

No comments:

Post a Comment